Martes, Mayo 26, 2015

Unang Hakbang: Anong bahay ang NAIS mo?

Everything starts with a vision. Yan ang isang motto na ngayon ko lang talaga nakita ang sense. Lahat ng bagay na nais natin nagsisimula sa vision, sa perception, sa pangarap. Tulad na lang ng pangarap mong bahay.

Kung gusto mong magkaron ng sariling bahay at seryoso ka sa plano mo na iyan, ito ang maipapayo ko sayo: START WITH A VISION.

Anong bahay ba ang nais mo? Mala-mansyon o malapaalasyong bahay ba? Payak o simpleng bahay na malayo sa siyudad? O isang bahay na kakasya ang isang buong barangay? Kung anuman yan, kailangan may VISION! Ano ang nakikita mo sa hinaharap, ano ang gusto mong makita?

Hep hep hep! Pero bago ka magpalunod sa pag daydream, ang vision ay parang goal ibig sabihin realistic, attainable at time bound. Hindi pwedeng nag eenvision ka lang pero alam mo namang hindi makatotohanan na hindi mo makakamit. Mas importante sa vision ang means kaya eto ang ilan sa mga pwede mong ikonsider sa pagsisimula ng vision mo:

1. Budget (Magkano ang pera mo?) Magkano ang kaya mong ilaan para sa pinapangarap mong bahay? Kaya ba nito ang mga gastusin sa ngayon? Pagisipan mo ang halaga ng kaya mong ibayad buwan buwan para sa pangarap mong bahay. Dito maaring magsimula ang lahat.

2. (Lokasyon o location. Saan mo ba nais manirahan ng matagal?) Nakikita mo ba ang sarili mo at pamilyang lumaki o mamuhay sa komunidad na iyon? Kung oo, madali ba ang pagpunta sa trabaho,eskwelahan, ospital etc sa lugar. Kung wala pa alamin mo kung may next development bang mangyayari sa lugar.

3. (Pangangailangan o Need. Bakit mo ninanais na magkabahay?) Dahil ba sa sarili mo o para sa pamilya? Para ba sa personal na pangangailangan o para sa dagdag na kita?


Yan ang ilan sa mahahalagang dapat mong isipin para sa Dream House mo. Para kahit pa sa dream pa lang siya ngayon alam mong balang araw o sa nalalapit na taon ay mapapasaiyo na yan. Start writing or creating your vision. Place it somewhere near you or kung saan lagi mo itong makikita, para mainspire ka! Kilos na, panahaon na para sa pinapangarap mong bahay!;)

"I am an accredited online lead generator for Driven Marketing Group"

Pangarap mo bang magkaBAHAY?


Pangarap mo bang magkabahay? Sa tingin ko wala pa atang kahit na isang tao ang hindi nangarap o nangangarap na magkaroon ng sariling bahay. Malamang din na isa ka sa mga batang gumuhit ng #DreamHouse mo noon? Isang malaking bahay, maraming kwarto,malaking lote at maluwag na hardin. At ang pinakaimportante sa larawan na yon ay ang mga nakangiting taong tinatawag nating pamilya.

Lahat ay nangangarap magkabahay, ang pangarap na yun ay nangagaling sa isang pinakamagandang inspirasyon natin, ang ating pamilya. Nais nating magkaron ng bahay na magkakasya ang lahat at kung saan makakapagsali salong kumain, manood ng tv at magbonding.

Kung isa ka sa mga taong nangangarap magkabahay, tuloy mo lang ang pagbasa at sabay nating tutuparin ang pangarap nating bahay.

Paano? Tutulungan kita, ihahatid ko sa iyo ang latest sa real estate sa Maynila at kung anu pang kakailanganin mo para sa pagtupad ng pangarap mo. Kaya sige lang sa pagbasa, sa mga susunod na araw makikita mong mas malapit mo nang maisakatuparan ang bahay na nais mo.

Kung may pauna kang tanong o mungkahi, maari ko akong abutin sa aking email: yourownhousenow@gmail.com.

Maligayang pagdating at pagabot ng iyong pangarap!;)

"I am an accredited online lead generator for Driven Marketing Group"