Lunes, Hunyo 1, 2015

May PAG-IBIG ka na ba? How to apply for Pag-Ibig ID

Kasama sa pangarap na bahay ay ang kaukulang bayad nito. Madalas ang pumipigil sa bawat Pilipinong bumili ng bahay ay ang mahal o hirap sa pagbayad nito. Pero madalas din na hindi kasi natin nalalaman ang mga serbisyong pwede natin magamit para makatulong sa ating pangarap.

Ngayon ay ibabahagi ko sainyo kung paano kayo magiging myembro ng PAG-IBIG o Home Development Mutual Fund.

Kung ikaw ay employed o nagtatrabaho na, automatic na kakailanganin mo ng Pag-ibig ID. Para makakuha ng Pag-Ibig ID, maari kang pumunta sa branch na malapit sa iyo or gawin ang Online Membership Registration.

Option 1: REGISTER AT A BRANCH 
Maari kang pumunta sa pinakamalapit na Pag-Ibig branch upang makakuha ng number. Magdala ng mga documents na magpapatunay na iyong pagkakakilanlan tulad ng birth certificate, at marriage certificate

Para sa listahan ng mga Pag-Ibig branches, pumunta sa link na ito: Directory ng Pag-Ibig Branches (NCR)
Para sa Membership Form, maaring idownload dito: Membership Registration Form


Option 2: ONLINE MEMBERSHIP REGISTRATION
Maari din maging miyembro ng Pag-Ibig online sa pamamagitan ng site na ito: Online Membership Registration

Para sa iba pang impormasyon, pumunta sa www.pag-ibig.gov.ph




"I am an accredited online lead generator for Driven Marketing Group"