Ngayon ay ibabahagi ko sainyo kung paano kayo magiging myembro ng PAG-IBIG o Home Development Mutual Fund.
Kung ikaw ay employed o nagtatrabaho na, automatic na kakailanganin mo ng Pag-ibig ID. Para makakuha ng Pag-Ibig ID, maari kang pumunta sa branch na malapit sa iyo or gawin ang Online Membership Registration.
Option 1: REGISTER AT A BRANCH
Maari kang pumunta sa pinakamalapit na Pag-Ibig branch upang makakuha ng number. Magdala ng mga documents na magpapatunay na iyong pagkakakilanlan tulad ng birth certificate, at marriage certificate.
Para sa listahan ng mga Pag-Ibig branches, pumunta sa link na ito: Directory ng Pag-Ibig Branches (NCR)
Para sa Membership Form, maaring idownload dito: Membership Registration Form
Option 2: ONLINE MEMBERSHIP REGISTRATION
Maari din maging miyembro ng Pag-Ibig online sa pamamagitan ng site na ito: Online Membership Registration
Para sa iba pang impormasyon, pumunta sa www.pag-ibig.gov.ph
"I am an accredited online lead generator for Driven Marketing Group"

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento